Hombre’s Poet
13 01 2007Ang Makatang, hilaw at bitin, tula ng pahinante sa siyudad.
Mula ng ipinanganak,
sa gulo nailagak.
Naglalakad sa lubak,
kamusmusan ay palpak.
Pasyalan ay sa palakpak,
namimili ng gamit na de-tatak.
Sa hirap ay batak,
dahil sa kargamentong itinutulak.
Lumaki sa bayan ng Tagak,
iniwan ang simoy ng bulaklak.
Sa Maynila’y tumulak,
nagbabasakaling kumita sa takatak.
Natutong lumaklak
ng mapanirang alak.
Tuloy-Tuloy ang halakhak,
kahit blangko ang utak.
Nangarap makarating sa Dakak,
at maglaro na parang Anghel na may pakpak.


Recent Comments