ikabon
-
04:49:14 am on February 19, 2007 | # |
Kakaiba talaga ipinakita ng Boston Celtics. Biruin mo sa regular season pasadsad sila sa standings (kahihiyan kung sasabihin dahil ang Celts ay tinatawag nila na Legendary Team mula kay Bob Cousy hanggang kay Larry Bird), nanalo pa sila ng Slam dunk contest (isang magandang pangitain para sila’y makabalik kung saan sila nararapat).
—-Ito pala kagandahan ng pagiging blogger, para ka rin isang artist. Isang hiphop artist. Patawarin sana ako ng mga nagtaguyod ng 5 elemento ng Hiphop, di ko nilalapastangan ang mga Congress ng Hiphop Industry(ganun din sa mga bloggers), sa pagsasabing may panibagong elemento ang hiphop. Tawagin natin itong breakblogging o blogjacking o blogcee o blogboxing o blogitti(no diggity). Teka parang napaisip ako…Di kaya sa ibang medium ko lang idinaan? Maari? Ganito, kung ang mga liriko(EMCEE) sa pabrika ng kataga ay sumusulat na tila’y nakikita nila ang kanilang sarili sa mga pangyayaring sinasalamin ng kanilang kanta. Ganoon din sa blogging. Mga Halimbawa 1, 2, 3 at 4. Nagsusulat ako ng mga blog entry at inilalagay ang sarili sa sinisalamin na mga pangyayari sa aking blog posts. Kung wala akong paglalagyan sa mundo ng grafitti puede ko rin i-blog yun. Mahirap kapag pinag-usapan na ang blogjockeying, breakblogging at blogboxing.
Jah Bless, Respect at P’z.



