ikabon
-
10:41:31 am on August 27, 2007 | # |
Ang Salitang Filipina sa mundo ng Internet ay walang respeto, sa kadahilanang ang mga kababaihan ay ginawang negosyo. Madali lang naman patunayan kung nababasa mo ‘to malamang may Internet connection, paki-subukan mong i-search sa mga search engine. Maari kung tamang termino ang ginamit maaring katanggap-tanggap pa ang resulta pero kung sa isang salitang Filipina ay puro kalaswaan. Nakakahurak ng dignidad. Sa bagay kung opurtunista ka, ang una mong maiisip ay ang pangkalahatan pampalipas ng oras ng mga kalalakihan. Mga kalalakihan walang tatanggi, ‘wag masyadong defensive. Ano pa? Ang mga malisosyong website. May tanong ako sa mga conservative. Bumababa ba ang tingin niyo sa mga lalaking napag-alaman niyong tumitingin ng mga maka-mundong website? Pasensya na kayo sa aking katanungan, liberative ako masyado.
Ang Filipina ay tawag sa mga babae mula sa Pilipinas. Itinuturing ka rin na Filipina kung kahit isa man lang sa magulang mo ay lahing galing sa Pilipinas. Pinay kung gusto mong medyo fancy. Ngayon, papasok ang problema ko kasi lahat ng iyan ay pangkahalatan pang-uri sa mga Filipina.
Mga iba pang katangian at opinion patungkol sa Filipina…
1. common Filipina names – Wala akong kasiguraduhan kung may pangalan bukod tangi para sa Filipina. Subukan natin ang Na Insyang[kung tama ang aking pagkaka-alala siya ang bilihan ng gulay sa Majayjay]. Hindi niya yan tunay na pangalan
2. Filipina in various industries – GMA, isang Presidente. Cory Aquino, dating Presidente. Malu Fernandez, isang journalist. Kris Aguino, isang Artista at isang Host. Elma Muros, isang Atleta. At si Ineng. Isang estadyante sa mababang paaralan. Ang mga Filipina sa panahon natin ay may karapatan na. Karapatan humuwak ng katungkulan. Sila’y may lakas pagdating sa lipunan. Nakakapag-bigay ligaya sa mga tao sa pamamagitan ng entertainment. Musika. Pulitika. Movies. Sa hanay ng pulisya. Habang ang iba’y nasasadlak sa prostitusyon. Sino ba ang nagkulang? At sa murang gulang nakuhang magbenta ng laman. Ano kailangan gawin ng nasa katungkulan. Walang trabaho umaasa’t nagbabasakaling maka-chamba sa lotto dahil walang propesyon. Nag-aabang, inisip na walang magagawa. Nakalimutan na nila na walang naming malas ever since they were born. Itong si Ineng na sinasabi ko tantiya na sa grade 3. Lagi ko ‘tong nakikita gawa ng ako’y pahinante dito sa may amin. Si Ineng yung tipong gustong-gusto makatapos ng pag-aaral. Nagbaba sakali na maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan sa tulong ng edukasyon. Naniniwala si Ineng na ang pinaghirapan ay may kapalit. Pati ang kanyang mga munting pangarap niya’y magkaroon ng buhay. Ang layo-layu ng nilalakad nito papuntang eskwelahan. Siguro simula Park Square One hanggang sa Rufino Tower. Partida may dala-dala pang libro at kwaderno tatakbo pa yan. Nung ako nga sinubukang kong lakarin ganoong kalayo dala ko isang bote ng ube jam at strawberries, hinapo ako pero solve. Ang kaso habang nagtatagal hindi ko na nakita si Ineng. Ano na kaya ang nangyari? Pinabayaan ba ng magulang? Mas pinili tulungan ang Inay sa pagsigaw ng kanilang paninda hanggang mapaos. Alam na kung bakit naghihikahos.
3. gadgets for the Filipina – Cellphone tapos ang housing kulay pink Laptop na kulay pink. Desktop na ang casing niya kulay pink. Speakers na kulay pink. Ipod na kulay pink. PocketPC na kulay pink. TV remote control na kulay pink. Keyborad na kulay pink. Mouse na kulay pink. PS2 na kulay pink. Family computer na kulay pink. Lighter na kulay pink. Relo na kulay pink. Wala talaga akong alam na gadgets para sa Filipina. Love nila sigurado mga jewelries, beads, shoes, clothes, bag. Tapos mga jewelries, beads, shoes, clothes, bag. Tapos mga jewelries, beads, shoes, clothes, bag ulit. What else to Love? Girls love shopping. THE!:)) Peace. Pero habang sila’y teenager pa lamang matitiyaga yan mag-aral. Masisipag mag-sunog ng kilay. Always Present sa school hanggang sa classroom. Sumusunod sa magulang. Gumagamit ng po at opo. Nagmamano sa Lola’t Lola. Dala-dala nila libro na palagi. Laging nagpaparticipate sa class. Sa katunayan mahilig silang mag-raise ng kanilang kamay. Teacher! Teacher! May I go out? Peace ulit.
4. your perspective on the Filipina online –Siguro vocal ang Filipina kapag on-line sila. Kapag nagpahiwatig sila ng kanilang damdamin parang gusto nilang ilagay ang batas sa sarili nilang mga kamay. Kayang-kaya nilang i-publish ang kanilang pananaw sa buong Internet. Doon nga sa tinatambayan forums tungkol sa mga motro kapag may debate at binasa mo yung replies nila pakiramdam mo naninikit yung mga mata nila. Kaso nawawala yung pagiging vocal nila kapag offline na sila. Parang nag-transfrom from solid, liquid to gas ang kanilang pagiging vocal. Bigla itong naghalong parang bula sa kalawakan Yung Nebula ba. Bumalik sa kanila ang kaluluwa ni Maria Clara, makaluma ngunit gintong paniniwala Mula sa pagiging minsanang animo’y tunog hangal sila pala ay tunay na mapagmahal!
5. favorite Filipina bloggers Wala kasi akong paboritong blogger. Ang importante sa ‘kin yung laman ng blog nila. Mga posts nilang binalutan ng siyensa’t agham. Kapupulutan ng aral, jokes, technical information at higit sa lahat samu’t saring kuwento. Kailangan ko kasing mag-basa ng mga matitinong limbagin gawa ng ako’y isang nagsusulat na may topak. Pati mahirap, para sa akin , na malaman ang isang blogsite kung Filipina ang author maliban na lang kung may litrato.
Hanggang dito na lang ito at salamat D-coy sa impluwensya mo.
Nagmamahal,
KapisoMabuhay ang mga Filipina mula sa aking Blogroll! Agida! Aizadenina! imkrayzie! prettyshe!
An entry to Writing “Filipina” Writing Project
- Filipina: Isa ring Ina

- Filipina Writing Contest and My Favorite Filipina Blogger
- Filipina is a Filipino Woman
- Filipina Pride
- Ang mga Filipina ng Buhay Ko
- The Filipina in the Eyes of the World
- 3 Things You Possibly Do Not Know about the Filipina
- A Topless Filipina in Europe
- What is a Filipina?
- Ako si Pina.. At ito ang aking kuwento…
- Filipina – Boholana, Part 1
- Dalawang Anyo ng Pinay
- Never Underestimate the Heart of a Champion Filipina
- Nang Itaas Niya Ang Kanyang Kamay
- Hindi lang Filipina Dating, Dating Filipina, Wow Filipina talaga!
- A Different Filipina
- Filipina: prostitution and exploitation
- Ang Pinay sa Buhay ni Pinoy Ambisyoso
- They are Filipinas Too
- Filipina 2007
- The Portrait of a Japayuki as a Filipina
- Filipino DH (Die Hard Filipina)
- Maria “Ria” A. Jose is a Filipina
- The Ideal Filipina In The Heart And Mind of A Filipina (Not A Mere Dating Or Sex Object)
- Filipina
- Different Faces of a Filipina
- Are you just a Filipina?
- Ako po si Elay, Nagbibigay Pugay
- Filipina Since Birth
- Filipinas are Natural Entrepreneurs
- Spotlight: Filipina Bloggers
- Looking Beyond the Heart of a Filipina
- My Filipina Thoughts
- The Filipina Campaign
- Pinay Na, Nars Pa!
- Biking Moves These Filipinas
- Filipinas: Tres Marias
- Long live Bb Filipinas
- Google Suggested Pinay Scandal
- Quest for Search Engine Visibility for the keyword “Filipina”
- Filipina
- The Different PERSONAS of a Filipina
- A Prayer for a Filipina
- A Filipina in Society
- Si Aling Epang
- Yan ang Filipina
- Filipina Nurse
- Traits of a Filipina
- Mukha ng Dalagang Filipina
- Macho I Love Yous
- Portrait of the Strong Filipina
- Filipina in Perspective
- Model Filipinas, modern Gabrielas: Liza Maza and Luz Ilagan
- Hot Filipina
- Filipina Ako. I am a Filipina
- Uber-Proud, Tanned Filipina
- Sarado na ang mga Karinderyang Filipina ang Putahe
- Sing-Kwenta
- Babae sa Pag-unlad at Pagbabago
- Ang Nanay ko
- Babae
- Adobong Pinay
- Ina Ko ay Isang Magiting na Filipina
- Filipina Entrepreneur
- Proudly Pinay: The Filipina Who Strut on Her Heels
- A Filipina Women is…
- Story of a Young Filipina Woman – The Fighter in Me
- Filipina works! Abroad
- The Filipina Superwoman
- Two Popular and Unique Individuals, Both Filipina
- Filipina as Other
- Superiority of Women in the Philippine Society
- The Funniest Filipina Vloggers
- Filipina Power
- Filipina: Isa ring Ina




Janette Toral 1:25 pm on August 27, 2007 | # |
Hello. Kindly add a link to the Filipina Writing Project at http://w3o.blogspot.com/2007/07/filipina-seo-keyword-campaign.html
Once done, will add your entry to our week 3 summary this Wednesday.
Thank you for joining the Filipina writing project!
Janette Toral 11:04 pm on August 28, 2007 | # |
Hello I hope you can add the writing project page link so I can include your entry in the week 3 summary tonight. Thank you.
Lavern 5:26 am on August 29, 2007 | # |
That’s ok bro. Hindi naman sa haba o ikli ng entry yan eh. At least we participate in the project to uplift the Filipina’s image in general.
Janette Toral 9:59 pm on September 1, 2007 | # |
Hello Ikabon. Just a follow-up. I hope you can add the writing project page link to this blog post so I can include your entry in the week 4 summary this Wednesday. Thank you.
Janette Toral 12:04 am on September 2, 2007 | # |
Thank you for the link update!
elay 8:27 am on September 7, 2007 | # |
ganda po ng entry..
Love Links To Filipina Participants » SELaplana 7:06 am on September 12, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Filipina Writing Contest | Pinoy United Blog-o-Loco 10:47 am on September 17, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Looking Beyond the Heart of A Filipina : The D Spot 10:50 am on September 17, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Reymos 11:02 pm on October 14, 2007 | # |
maganda po!
Janette Toral 1:34 pm on October 16, 2007 | # |
Hello. Thank you for supporting the Filipina Writing Project. I also encourage you to create an audio version of your entry and we can include it in our Filipina Writing Project Podcast at http://filipina.podbean.com
Thank you!
Filipina Writing Project and Bloggers Meet-Up » SELaplana 5:06 am on October 23, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
A Filipina in Society | Filipina | **blog of a Filipina caffeine addict 12:49 pm on November 4, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Entry: The Filipina writing project | Filipina | personal blog of a Filipina mother of 2 2:42 pm on November 5, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Let’s Meet in Person! » SELaplana 5:06 am on November 11, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Hot Filipina! | Bakla Ako, May Reklamo? 9:15 am on November 18, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Starsapphire04’s Enchanting Poison » Nalalapit na Pagkikita-kita ng mga Tunay na Pinoy 9:36 pm on November 18, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Filipina Available here | Silkenhut's World 1:33 am on November 20, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Aiza Bautista, Typing Free · Uber-Proud, Tanned Filipina 2:41 am on November 22, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
On The Way To Filipina Bloggers’ Eyeball » SELaplana 11:40 am on November 27, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
The Filipina Writing Project Night - Macuha.com | Make Money Blogging About Anything Vedio :) 6:49 pm on November 28, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Isagani Rx, MA » Archive » Yahoo!!! 2:46 am on November 29, 2007 | # |
[...] raffle: Filipina as Other Two Popular and Unique Individuals, Both Filipina The Filipina Campaign Filipina 2007 For the SEO competition part, the following won US$100: Google – Filipina Yahoo – Filipina MSN – [...]
Aiza Bautista, Typing Free · For the Win! :-D 4:03 am on November 29, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
Breaked a leg « Kuwentong Usapan 2.0 1:01 am on December 1, 2007 | # |
[...] Filipina 2007 [...]
mich 8:15 pm on December 5, 2007 | # |
Maraming isyu ang nakapaloob sa kahulugan ng pagiging Pilipina at kung anuman ang tingin ng ibang nasyon sa mga Pilipina..para sa akin hindi ito ang pinakatampok sa lahat, wala naman tayo ipinagkaiba sa mga American woman, Haponesa at mga babae sa iba’t-ibang panig ng mundo masyado nga lang siguro tayo kung makapagtanggol sa sarili…lalo tuloy tayong nagmumukhang “guilty”huwag natin itong masyadong ipagdiinan isa lamang itong manipestasyon nang kahungkagan at sukdulang kahirapan na dinaranas ng mas nakararaming Plipino. Ang kahulugan ng Pilipina ay wala sa kung ano ang pananaw ng mga hindi Pilipino…madalas pa nga Pilipino mismo ang nagpapababa ng pagtingin sa kanila…isa akong Pilipina ngunit napatunayan ko kahit saan man panig ng mundo makarating ang isang Pilipina ang pagtingin sa kaniya ay nakasalalay sa kung ano ang pagtingin niya sa kaniyang sarili. At masasabi kong bukod tangi ang Pilipina likas sa kanya ang magagandang katangian na wala ang iba…at kung hindi mo ito alam maaaring kulang pa ang iyong pagkakilala sa tunay na Pilipina.
garvanguelle 9:29 am on February 15, 2008 | # |
Mapighati nga na kung ano-anong nakakadireng kahalayan ang binabansag sa mga Pilipina ngayon.
Nakakagalit talaga ang isyu ng mga Pilipina sa cyber space at nakakalungkot talaga na marami sa ating mga kababayan at napipilita ng sumabak sa bentahan ng laman hanggang sa cyber space para lamang kumita ng kakaunting piso.
Mga Pilipino din kasi ang nagpapababa sa kanilang mga kababayan. Grabe sumuporta ng pornograpiya ang kalalakihang Pilipino, talamak ang mga cellphone porn at sa bawat download at pagtingin ng mga Pilipina sa porno ay sinusuportahan at winiwili nila lalo ang kanilang mga kababaihan na “Sige pa! maghubad pa kayo tutal pamatid libog naman kayo at di naman kami inaapektuhan. Nagmumukha nga kami lalong macho sa pagpapakaputa niyo e, kaya sige lang!”.
Ikalawa, kinokondema pa ng nakakararami sa ating mga kababayan ang mga pokpok, binabansagan silang mga makasalanan at nakakadire. Imbis na alukin sila ng ibang trabaho at i-angat sa pagkalubog nila sa burag ng pagbebenta ng laman ay inilalayo pa sila lalo sa “NAPAKAMALINIS” nating lipunan.
Ang gobyerno naman ay wala pang batas pangkontra porno (KUNG MERON MAN, DI NAMAN EPEKTIBO O BINIBIGYANG BISA) o wala rin talagang pakealam sa kanilang mga kababaihan.
Asar.
im a pirate in blogosphere treasure hunting « Blog ng Batang Tumatandang Paurong[Kuwentong Usapan 2.0] 3:52 pm on October 4, 2008 | # |
[...] ng contest sinuswerte lang ako nun. Nanalo lang sa raffle. Pero sana naging matibay ang post ko tungkol sa Filipina. ‘Yung mga thoughts ko hindi sana naging sabog sa mga mata ng mambabasa ng blog [...]