ikabon
-
03:05:15 pm on September 6, 2007 | # |
Tapos na nga ba ang Joey de Leon vs Willie Revillame isyu. Malamang hindi pa kasi maraming pang nagkokomento. Entertain na entertain sila sa mga pangyayari. Minsan iniisip ko tuloy kung wala na bang ibang magandang mapanood. Yun bang palabas na hango sa mga tunay na pangyayari. Yung mga eksenang nasa 80% ang tiyansan puedeng mangyari sa totoong buhay. Halimbawa may isang journalist na napakagaling mag-sulat tapos dumating yung punto na nakapag-sulat ng hindi kanais-nais tungkol sa mga untouchables ayun bumagsak. Sabi nga ng AXE komersyal [na di nya sinasadyang naamoy], Axe turns nice girls naughty. Ayun humina, nag-resign. Nasilaw sa money and fame. Bakit pa kasi magbatuhan ng mga akusasyon habang ini-air ang palabas nila. Dapat hinayaan na lang nila ang may kinauukulan. Sa MTRCB na lang dumerecho. Dapat nga nagpa-blotter muna sila sa Barangay. Nagsumbong kay chairman. Pati kung iisipin mo hindi ba parehas lang silang nagpapasaya sa mga tinatawag nating mahihirap, kapos-palad, naghihikahos. Institusyon man o baguhan sa industriya parehas lang yang pinipilahan ng mga tinatawag natin mahihirap, kapos-palad, naghihikahos ang mga larong inyong pinagmamalaki. Matagal na rin naniniwalang ang mga tinatawag natin mahihirap, kapos-palad, naghihikahos na sila’y inyong matutulungan sa premyong inyong pinamimigay para sila’y makapag-simula ulit. At tiyak ako na marami pa rin ang mga tinatawag natin mahihirap, kapos-palad, naghihikahos ang maghihitay at mag-aabang ng suwerte. Dahil ito lamang ang kanilang nakikitang tanging paraan. Matagal na rin akong nanonood ng mga noontime show ‘pag walang ginagawa makailang ulit ko na nga rin napansin na minsan dumudulas sa paghatak ng unknown number ang mga host. Isa pa, wala naman magagawa kung sa harap lang ng telebisyon pag-didiskusyunan ng mga wala sa katungkulan ang anomalya. Puwera na lang kung may ibang intensyon. O kaya sa kagustuhan magpatawa ay gumamit na lang ng ikasisira ng iba. Parang mga text jokes tungkol sa mga taong prominente kaso offensive naman, pero nakakatawa talaga. Pati kung artista ka paano ka makikipag-negosyo sa mga kapwa mo artista, sa mga producers, sa owners kapag may hindi magandang nangyari. Artista na ba ang boss ngayon? Paano na lang kung dahil sa mga mabibigat na salita ay walang mag-tiwala sa’yo. Ibig pa lang sabihin mahina ka.
Saging na lang ba ang may puso? hahaha.



