Blog ng Batang Tumatandang Paurong[Kuwentong Usapan 2.0]

ikabon

  • 09:03:59 pm on October 26, 2008 | # | 0
    Tags: ,

    Ang mga pinoy mahilig bumiyahe ‘yan. Punta dito, punta doon. Parit-parito sa iba’t-ibang lugar, ginawang hagdanan sa bahay – panhik, manaog. Ini-explore ang ganda ng mga bawat mapuntahan sabay click sa digicam posing, simpleng smile, ‘yung abot tengang ngiti, pero rock \m/. Kahit anung uri ng transportasyon may mararating kang magandang lugar sa Pilipinas. Sakay ka sa bus. Sakay ka sa Jeep. Sakay ka sa tricycle. Gamitin mo sariling kotse. Kung may motorsiklo ka puwede din. Mag-Bisikleta. Puwedeng pump-boat, o kaya Barko at mag-ala Titanic. At sa lahat ng nasulat kong sasakyan na yan, kalaban mo dyan oras. Matagal ang biyahe. Ang solusyon, eroplano! Tulad ng Cebu Pacific. Bumiyahe sa pamamagitan himpapawid. Mabilis ang biyahe, di ka makakaranas ng heavy traffic. Bonus mo na lang yung sightseeing, habang naka bird’s eye view, ‘pag malapit ka sa bintana. Kita mo ang lahat ‘pag nasa taas ka. Kung puwede nga lang sakyan eroplano ‘pag pupunta ako sa kanto gagawin ko.

    Isa sa mga destination ng Cebu Pacific, Manila. Ang capital ng Philippines. Kung ikaw ay mula sa ibang parte ng Pilipinas, mula Luzon, Visayas o Mindanao, itim man o maski hilaw na nais pumunta dito sa Manila(kahit na ang contest na ito ay para ma-promote ang lugar sa Mindanao). Sana ay ma-engganyo kita sa mga susunod mong mababasa. Alam natin historic din ang buong Metro Manila. Bamboo Organ sa Las PiƱas. Puwedeng pumasyal sa Intramuros. Maglakad sa Luneta. Manood ng PBA sa Araneta. Basta may schedule ng game. Hindi naman ako bad influence pero puwede din maglaro sa Casino Filipino. Ano pa ba? Kung deboto mag-simba sa Quiapo kapag Biyernes o kaya Baclaran kapag Miyerkules. Photographer ka ba? Kuhunan mo at gumawa ka ng sariling version mo ng Makati Central Business District Skyline. Mag-shopping sa mga naglalakihang Malls sa Pilipinas. Libutin mo Mall of Asia, manood ka sa iMax. Ayaw mong mabitin? Mag-liwaliw ka sa Trinoma, SM North Edsa o kaya SM Megamall. Nightlife sa Manila hindi mawawala ‘yan. Bar at Restaurant that serves great food meron dito yan. At maraming pang puwedeng puntahan dito sa Manila, basta maging listo ka lang sa paligid. Depende sa trip mo.

    Kung ako ang mapalad na mapipili sa contest na ‘to. Ito lang ang gagawin ko makikinig ako sa loob ng eroplano ng How we roll ‘98 ni Big Pun. Tapos kapag may nakita akong magandang lugar, ipagpalagay natin nasa Mindanao na ‘ko, up from the sky, paparahin ko yung eroplano, “Mamang piloto diyan lang po sa may kanto!!”. Sa lahat ng sumali dito good luck sa ‘tin and may the best blogger win! ^^

     

Leave a Comment