bukas-palad na liham sa talang si Ms. Katrina Halili mula kay phi

20 07 2008

To whom it may concern - Katrina Halili,

Matagal ko na itong gustong isa blog ang open letter na ‘to. Isa siya sa mga pinapantasya ng bayan. Siya’y nagmula sa isang talent search ng GMA Kapuso, Starstruck. Ngayon siya’y sikat dahil sa taglay niyang kagandahan at alindog ng katawan. Sa katunayan kasali siya sa 100 sexiest Republika ng Pilipinas ayon sa FHM isang babasahin para sakin lang. Akin lang!(Madamot ka phi)

Ganito kasi yun, papaakyat na ako sa opisina ng pinapasukan ko ng biglang bumukas ang elevator. Hindi naman ako nagulat kasi natural lang ‘yon. Ang kinagugulat ay may katabi pala akong artista sa loob ng elevator hindi naman. Paano akong nagulat? Kasi ang tagal, mga dalawang segundo siguro yon, ko na pala siyang nasa likod habang hinihintay ang going up na elevator hindi ko man lang napansin. (snob ka pala sa personal phi). Ang totoo niyan sa tantiya ko habol lang sila sa elevator. Nagmamadali sa madaling sabi. Pero ang highlight ng tagpo yun ay nung magbanggaan ang aming mga siko kaso hindi ko pa alam na si Katrina Halili yun. Ang puwesto namin back against the wall ng elevator sa left side(ang gulo mo phi). Sa harapan ko naman ay yung sa malamang sa hindi ang kanyang Personal Assistant. Nalaman ko na lang si Katrina Halili ng bigla ako mapalingon. Dun ako nabigla! Gusto ko sanang ibigay na lamang yung dala-dala kong pagkain. Kaso hindi maari dahil handa ng boss ‘yon sa opisina.

Teka asan ang sense ng open letter? Ah Sense yung Kasalanan?(ang korni mo phi). Kadalasan ang open letter nilalaman nito ay reklamo sa isang bagay, serbisyo, o produkto. Nabanggit ko kasi na lumingon ako sa kanya ang pangit pa kasi lumingon pa ulit ako. Para kasi napaka ungentleman ng ginawa ko(waaa bakit may ganun mga linya phi). Kaya humihingi ako ng paumanhin sa’yo. Sa totoo lang dalawang sunod na kitang nakakasakay sa isang elevator. At sana kung sa susunod na makasakay kita sa elevator ‘wag mo naman aakalain at tatanungin mo ako ng “excuse me are you stalking me?” at sasagot naman ako ng pabalang “duh i work here”(yung tonong maangas ni Al Pacino sa The Insider). Lilinawin ko lang na yung paglingon ko ulit na ‘yon walang ibang ibig sabihin yon kundi masigurado ko na ikaw nga ‘yon, Katrina Halili. Muli paumanhin. Wala naman naiblog ko lang.

Nagpapaumanhin,
Ikabon

P.S. binanggit ko na balak kong ibigay yung pagkain na dala dala ko kitang kita mo naman ‘yon e. comment ka lang sa dito sa blog ko tapos ipagluluto kita non(talagang may ganun linya pa phi?). Yun e kung mababasa mo lang ‘to.





sinong sumasabi ng mga sinasabi :))

14 07 2008

“hindi lahat ng kulay pink ay, KIKAY!”

- MAJINBOO

ilink ko na lang ‘pag naalala ko saaan ko kinuha yung message na ‘to





joke more while awake, programmer’s banat

9 07 2008

boy: alam mo para kang database diagram?
>
>
girl: ha? bakit?
>
>
boy: gusto kitang i one -to-one relationship AYOOWWWN

pinilit..ka ka ya mot haha u





puro joke ako..

2 07 2008


hango sa huling post. ano naman daw ito?
>

>

>

>

>

>

>

>

KA KA YA MOT!!! haha u

muli, pakibaligtad ang monitor kung di mabasa ang sagot thanks!!!





minsan lang mag-joke…

2 07 2008


ano daw ito?
>

>

>

>

>

>

>

KAKAINIS!!!haha u

Pakibaligtad yung monitor kung di mabasa ang sagot thanks!!





panalo pala si manny pacquiao???

2 07 2008

Diaz: Babangon ako’t dudurugin kita..
Manny: tingnan mo ginawa sa shorts ko ang dumi o..
Ref: kawawa naman si Diaz





mtoda ka ka ya mot usapan

22 06 2008

matagal na ‘tong ride na ‘to. april 06 2008 pa ‘to. ganito kasi yun april 09, 2008 araw ng kagitingan kaso sa economy policy ni PGMA kailangan i-move lahat ng holiday sa Lunes man o Biyernes. Abril 06 araw ng Linggo talaga yan, ibig sabihin sa kinabukasan ay Lunes, natural. Napagkasunduan nila ay Linggo na lang. Sumama lang kasi ako sa naka z2 na may super 4 din. Hindi ko naman alam kung ano plano ng bawat isa sa rider kinabukasan noong araw na ‘yon. Kung sa’kin Lunes ok lang din. Sa totoo lang, nagulat talaga ako kasi nga ang lalaki ng bike na makakasama ko. Panigurado iwan ako, sabi ko sa sarili ko. Sa madaling sabi, it was a ride that caught me unprepared. akala ko makakasama mga naka-z2 din. Yun pala mga 400cc na bike. wala talaga akong ideya nun. pero sa kabilang banda nakita ko din yung puwede kong maging upgrade na bike, 400cc o kaya 600cc o kaya 1000cc. kung saka-sakali lang naman . marami pa rin akong kakaining bigas bago magkaroon ng mataas na displacement na bike. sa kabuuan ng ride ayos din. maganda naman yung pace ng ride. nagulat talaga ako nakakasabay ako sa bilis sa twisties iba talaga ang usapan kapag straight na. pero sana panalangin ko lang after ng rainy season lets do it some more. pero bakit ba mtoda? marilaque TODA? tutal naman araw ng kagitingan noong panahon iyon magiting TODA na lang siguro.

from Left to Right
gener: teka bat yung bike ko wala sa pic??
dok: laki kasi nung katabi kong bike e 1000cc
sphinx: hindi din…
ikabon: 1000cc emails ba yun?(asan yung motor ko???)
ron: hina mo naman sa history CC pagkatapos ng BC at AD teka teka ikabon di mo ata bike yan
no name: no comment
kabobek: ikabon ang bilis mo kanina sa twisties siguro mga 60-80 ka?
big jon: pagod…
ikabon: 60-80?? low blood pressure pala ako?





Celtics “beat LA” in six games

18 06 2008

paul pierce: ang sarap pala ng champagne, kaso medyo matigas?
Sam Cassell: di pagkain yan, champagne gun ‘to…kaboom



Keving Garnett: taas ang mga kamay ng may balat sa puwet
Kendrick Perkins: Ako!!!
PJ Brown : tagal na natin teammate ikaw pala may balat sa puwet
Sam Cassell: Tange di lang ikaw ang dami niyo pa sa likod..
Bata naka #50: kawawa naman ang Lakers





the Celts almost a champion but not quite in game 5

17 06 2008


Paul Pierce: asan yung mga players, at dalawa na lang tayo dito sa staples center?
Kevin Garnett: andon sa labas yung iba..anu yun staples center, centro ng bala ng stapler?





boston d’s massacre the lakers and the offense follows for a comeback

14 06 2008


Paul Pierce: i came from the west but i play for the east…(bulong)
Ray Allen: you take care of the best and i’ll take care of the rest..(bulong)